my new place! — 17**
solo lang ako sa unit ko sa University Tower II kaya alam na! haha! medyo nahihirapan lang akong matulog kasi sobrang duwag ako. hindi ko nga pinapatay ang ilaw sa gabi kasi sobrang natatakot ako. pero ang sobrang gusto ko, nagagawa ko kahit ano like paglalakad sa unit ng naked. haha!
medyo kailangan ko lang matuto ng kaunting household chores para mamaintain na maayos at malinis ang unit ko. :)
good bye unit 104!
780 Loyala St. cor. Lacson Ave., Sampaloc, Manila - D&E Mansion, Unit 104
sobrang mamimiss ko ang apartment na ‘to lalo yung mga “apartmates” ko. 4 years din akong tumira dito at sobrang tinuring ko na talaga na pangalawang bahay ‘to. magkakapatid na nga rin turingan namin ng mga apartmates ko. naging witness na rin ‘tong apartment na ‘to sa sobrang daming pangyayari sa buhay ko, sa lungkot at ligaya. at sa lugar na ‘to, ramdam na ramdam ko talaga ang kalayaan kasi malayo ako sa parents ko at ako ang nasusunod. hehe!
marami rin akong nakilala at naging kaibigan dahil sa apartment na ‘to na siguradong mamimiss ko rin. yung mga friends and classmates ng mga apartmates ko na madalas bumibisita at yung mga madalas na nakikitulog na minsan nga katabi ko pa kahit kakakilala ko lang. haha! pero sa dami kong nakilala, hindi ko naman nakilala yung mga kapitbahay at mga kabuilding ko. mamimiss ko rin yung caretaker ng D&E Mansion na si Mang Ben. sobrang kulit niya pero sobrang bait din niya sa’kin.
mamimiss ko talaga ang apartment namin na parang bar dahil sa madalas na party at inuman. madalas tuloy kami naiireklamo sa landlord namin. haha! ang apartment namin na parang orphanage dahil halos lahat ng mga kakilala namin na walang matutulugan, dito tumutuloy. at ang apartment namin na parang pugon dahil sa sobrang init! haha!
alam mo yung feeling na parang hindi ka nagmamature? yung parang sobrang dependent mo pa rin? kapag andito kasi ako sa Batangas parang lahat ng decisions manggagaling pa rin sa parents ko. kahit mga simpleng bagay dapat ipagpapaalam ko sa kanila. kapag mga important business naman dapat kasama pa rin sila kahit kaya ko nanaman gawin yun nang mag-isa. at dahil mag-aaral pa ulit ako, hindi pa rin ako makakahanap ng trabaho kaya siguradong dedepende pa rin ako sa kanila. feeling ko tuloy bata pa rin ako. laging inaalalayan. hindi kayang mag-isa.
medyo naeexcite tuloy akong bumalik sa Manila kasi kahit papano ako ang nasusunod. nagagawa ko ang mga bagay na gusto at kailangan kong gawin nang mag-isa.
I’m gonna fucking get what I want!
hindi man ngayon, hindi man bukas, or in the near future pero sisiguraduhin kong mapapasakin kung ano man ang gusto. maghihintay ako, susugal ako, lalaban ako makuha ko lang yun.
Rest in Peace Charles Raeywen Nabas!
ang daya mo naman. hindi pa nga nagchachampion ang CSDT sa Cheermania at hindi pa nga tayo nakakapag-dance concert, iniwan mo na kami agad. ang dami pa nga nating plans for CSDT and for CST eh. pero kung nasaan ka man ngayon, alam kong magiging masaya ka kasi you’re with our Creator na. thank you for being a good friend and kuya. sorry din kung medyo madalas tayong may conflict pero alam ko naman na isa yun sa nagpatibay ng friendship natin. sobrang mamimiss kita pati yung mga gaguhan moments natin lalo na yung pagiging “bitch” mo. we will miss you and we love you Charles!
bye Muscle Heads Gym!
simula ata first year college plan ko na mag-gym at ngayon lang yun natuloy. nagpamember ako sa gym na ‘to kasi una wala talaga akong magawa at pangalawa nasa tabi lang din naman ‘to ng bahay namin. sa 3 weeks kong paggygym, sobrang nag-enjoy ako. sobrang bait kasi ng instructor ko at ang babait din ng mga kasama ko sa gym.
nakakatawa nga kasi nung nagsisimula palang ako sinusundo pa ako ng instructor ko para lang maggym. inaabangan ko pa dati na walang tao sa gym kasi nahihiya ako dahil magaan lang binubuhat ko compared sa kanila. pero habang nagtatagal lalo ding tumatagal ang stay sa gym kasi naaaddict na ako sa pagbubuhat at tinutulungan din ako ng mga kasama ko sa gym.
nakakalungkot lang talaga na they have to transfer the gym sa ibang place. hindi na magiging gaya ng dati na anytime kong gustuhin maggym makakapaggym ako kasi sa tabi lang ng bahay namin. tsaka baka ma-lessen rin ang gym hours at tambay ko sa gym. :(



